Ang ibon na kinulong sa haula
Ang ibon na kinulong sa haula ni Nathaniel Anthony T. Jubac
PAKSA NG TULA: Magulang/Pamilya
Ako ay katulad sa ibong kinulong sa haula.
Kinulong ako dito ng aking sariling pamilya.
Pinanganak at lumaki, malungkot at magisa.
Tanging ako ng, nagtanda ng walang kasama.
Ang aking haula ay maganda.
Iwan ng magulang, ito ay pamana.
Perpekto itong lahat sana,
kung meron akong kasama.
Lumaking malamig sa tao, kahit sa sariling pamilya,
ayaw kong ganito, magbago ako sana,
sa salang ito ako ay nakokonsensiya,
Puso ko tigilan mo na ito, ako’y nagmamakaawa.
Nayong panahon nakalaya na ako sa haula,
pero di ko parin matigil ang panlalamig sa aking pamilya.
Ito ang pagsisikapan ko, ito ang aking pangako.
Ang relasyon ko sa aking pamilya ay magbabago.