Ikalawang Grupo – Lakwatsa sa Persya

Lakwatsa sa Persya
isang proyekto (Performance Task) para sa Filipino 10

2017
Ikalawang Grupo
10 – St. Francis Xavier

Pamantasan Ateneo de Zamboanga – Mataas na Paaralang Junior
Direktor & Editor: Joshua Rommel Vargas
Manunulat: Algenne Marhee Amiruddin
Mga Aktor: Mykee Anne Tatel, Donnabelle Paraguya
Cinematographer: Mark Allen Palileo
Katulong ng Editor: Nadya Adelina Habing
Logistics: Arvin Neil Lota, Nathaniel Anthony Jubac

Paggalang sa Karapatang Pantao

Paggalang sa Karapatang Pantao ni Charlene L. Lizardo
PAKSA NG TULA: Paggalang sa Karapatang Pantao
Nakikita mo silang nasasaktan?
Dahil yan sa iyong kaugalian
Na dulot ng masama na kaisipan
Na gusto mag-sira sa mga tauhan.
Ang hinihingi lang naman ay respeto,
Hindi lang sa akin kundi rin sa iyo
Halika at tayo’y magsasama magtrabaho
Upang makamit ang kapayapaan sa dulo.
Ang kapayapaan ba ay talagang gusto mo?
Kung gusto mo, magsimula ka sa pagrespeto
Ito ay hindi lang para sa akin kundi pati rin sa iyo
Magsimula tayo sa paggalang ng karaptang pantao.

Pamilya Ko

Pamilya Ko ni Mathea Mari Arciaga
PAKSA NG TULA: Magulang/Pamilya

Simula nang pagbukas nang aking mga mata,
Sila ay una kong nakita na masaya.
Kasiglahan at kasiyahan ang aking nakita,
Mula sa mga mukhang di ko pa nakikilala.

Lumipas at naging mabilang ang mga buwan,
At sila ay nakilala ko na dahan-dahan.
Araw-araw nila akong pinagpapasensyahan,
Kahit na ako ay naging ubod ng kakulitan.

Nakaraan ko’y aking isinilip nang sandali,
Nakita ko ang aking mga pagkakamali.
Dalawang taong di nagsasawang magpaintindi,
Sa mga pagkakamali kong aking isinisi.

Araw-araw silang nagpapakahirap sayo,
Ang pagmamahal nila sayo ay totoo po.
Kaya bago man sila lumaho sa mundong ito,
Dapat mabuti na natin silang maitrato.

Estudyante

Estudyante ni Joshua M. Basilio
PAKSA NG TULA: Pagpapatibay sa Disiplina sa mga Paaralan

Ang disiplina ay napakahalaga;
Parang isang diamante na mahalaga;
Di magawan na mabuti kahit saan;
Dapat may kooperasyon to’y tandaan;

Ang mga estudyante ang pag-asa ng bayan;
Sa pagkalinga ng lahat ay dapat nandyan;
Ang walang pakialam ang tanging kasiraan;
Dapat lamang ang batas sa bawat paaralan;

Ang mga reporma sa sistema ang tanging daan;
Sa kahina-hinalang mata ng sambayanan;
Tamang-tama, hindi sobra, hindi kulang, sa bayan;
Kailangan sa ikabubuti ng isang bayan;

Tao pa ako

Tao pa ako ni Nathaniel Anthony T. Jubac
PAKSA NG TULA: Paggalang sa Karapatang Pantao

Kahit anong gawin nila,
tao pa rin po ako,
yon hindi magbabago,
yon ang tanging alam ko.

Dahil tao rin kami,
dapat kami irespeto,
dapat hindi patayin,
o agad ilagay sa preso.

Ang hinihingi naming,
galling sa inyo,
ay making kayo sa amin,
kami ay tao rin po.

Ang ibon na kinulong sa haula

Ang ibon na kinulong sa haula ni Nathaniel Anthony T. Jubac
PAKSA NG TULA: Magulang/Pamilya

Ako ay katulad sa ibong kinulong sa haula.
Kinulong ako dito ng aking sariling pamilya.
Pinanganak at lumaki, malungkot at magisa.
Tanging ako ng, nagtanda ng walang kasama.

Ang aking haula ay maganda.
Iwan ng magulang, ito ay pamana.
Perpekto itong lahat sana,
kung meron akong kasama.

Lumaking malamig sa tao, kahit sa sariling pamilya,
ayaw kong ganito, magbago ako sana,
sa salang ito ako ay nakokonsensiya,
Puso ko tigilan mo na ito, ako’y nagmamakaawa.

Nayong panahon nakalaya na ako sa haula,
pero di ko parin matigil ang panlalamig sa aking pamilya.
Ito ang pagsisikapan ko, ito ang aking pangako.
Ang relasyon ko sa aking pamilya ay magbabago.

Walang makatutumbas

Walang makatutumbas

ni Myca Dane Sapitula

PAKSA NG TULA: Magulang/Pamila

Naaalala ko noon nung ako’y naglalaro,

Sabi mo na ako’y magdahan-dahan pero ‘di ako nakinig sa iyong payo.
Natumba ako at nasugatan ang tuhod ko,
Pero imbes na pagalitan ay tinulungan mo akong tumayo.

Naaalala ko noon nung nagkasakit ako,
Binigyan mo ako ng gamot at pinunasan gamit ang bimpo.
Pinakain mo ako ng paborito kong ulam na iyong luto,
Pagod ka sa trabaho pero ako’y inalagaan mo.

Naaalala ko noon nung unang araw ko sa eskwela,
Umiiyak ako dahil ayaw kong lumisan ka.
Pinatibay mo ang loob ko at sabi mong kaya kong mag-isa,
Sabay sabi ng “Sus, matalino kang bata!”

At hanggang ngayon nakaukit pa rin sa aking alaala,
Kung paano mo ako hinele kahit pagod ka na,
Kung paano mo ako ginabayan at minahal ng sobra.
Walang makatutumbas sa iyo, aking ina.